Wala Sa Pangarap


Wala sa pangarap ko ang mag-isa
At mabuhay ng araw-araw ng di kapiling ka
Ngunit ngayon nagpapaalam ka
Wala sa pangarap kong ika'y mawala
Sa mga aking mata'y laging nakikita ka
Sabihin mo ako'y nagkulang ba
Bakit kailangan pang maghiwalay
Kung may pag-ibig pa
Kung may pag-ibig pang ibibigay
Ikaw ang syang tibok ng puso ko
Bakit lilisan ka at mag-isa'y wala sa pangarap ko
Wala sa pangarap ko ang umibig ng iba
Tanging nasa isip ko'y ikaw lamang sinta
Hanggang ngayon mahal pa rin kita
Bakit kailangan pang maghiwalay
Kung may pag-ibig pa
Kung may pag-ibig pang ibibigay
Ikaw ang syang tibok ng puso ko
Bakit lilisan ka at mag-isa'y wala sa pangarap ko
Bakit kailangan pang maghiwalay
Kung may pag-ibig pa
Kung may pag-ibig pang ibibigay
Ikaw ang syang tibok ng puso ko
Bakit lilisan ka at mag-isa'y wala sa pangarap ko