Paru-Paro


Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, lilipad, lilipad (Ah)
Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako

Isang sulyap na mahiwaga
Mabihag ka ng aking hiraya
Sa kalawakan, ako'y malaya
Sumasabay sa ihip ng tadhana
Sa'n man dalhin, kung ako'y papalarin
Mundo ay harding nais libutin
At kukulayan ang alapaap
Ating kalawakan ay magniningning

'Di biro ang pinagdaanan kong ito
Noon, kulay abo, ngayon, ang tingkad ko
Itong makulay na pakpak, ngayong taglay ko na
Alam ko na, alam mo na, alam ko na (Ah)

At heto na ako, ganap nang kung sino ako
Malaya nang lumilipad sa langit parang paruparo
Na lagi lang sinusundan, nanalig sa tibok ng puso ko
Ngayon, ako'y buong-buo
Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako
Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako

Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako

Unti-unting maririnig sa daigdig ang sariling musika
Sinulat ko sa pahina, mga dalang-dalangin, sinagot mo na
Hindi magpapadala anumang bulong sa akin ng takot
Kapalara'y iikot, buong loob paghuhugutan ng lakas
Ang pag-asa'y walang wakas

Not one, not two, not three, but eight
Walo hanggang dulo always been your sayin'
Pakpak na makulay, ngayo'y handa na
Sasabay sa hangin, abutin ang tala
Libutin man ang buong mundo, walang sino man ang katulad mo
Sa'n ka man dalhin ng hangin ay 'di dapat huminto
Just spread your wings, you're free to fly (Free to fly)

'Di biro ang pinagdaanan kong ito
Noon, kulay abo, ngayon, ang tingkad ko
Itong makulay na pakpak, ngayong taglay ko na
Alam ko na, alam mo na, alam ko na (Ah)

Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako
Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako (Lilipad)
Lilipad, lilipad ang paruparo (Oh)
Lilipad, lilipad, sundan mo ako (Lilipad)
Lilipad, lilipad ang paruparo (Oh)
Lilipad, lilipad, sundan mo ako

Lilipad, lilipad ang paruparo
Lilipad, lilipad, sundan mo ako