Bakit Ba Ganyan


Bakit ba ganyan ang ibig ko'y lagi kang (lagi kang)
Pagmasdan
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian (katangian)
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka sinta

Ewan ko kung bakit ba ganyan (kung bakit ba ganyan)
Damdamin ay 'di maintindihan
Kailangan ang (kailangan ang)
Pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang ika'y makilala

Bakit ba ganyan kung minsan ay nauutal (minsan ay nauutal)
Sa kaba
Kapag ika'y kausap na ngunit lumalakas ang loob
Kung ikaw ay nakatawa

Ewan ko kung bakit ba ganyan (kung bakit ba ganyan)
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang (kailangan ang)
Pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo (nagmamahal sayo)
Magmula nang kita ay makilala

Ewan ko kung bakit ba ganyan (kung bakit ba ganyan)
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang (kailangan ang)
Pag-ibig mo dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo (nagmamahal sayo)
Magmula nang ika'y makilala