Sa Ngalan Mo
Pa'no mo iibigin 'sang tulad kong
Marupok sugat-sugat
Saplot ang galos ng nakaraan
Pano hihilumin
Pano ko tatanggapin
Anong usapan
Agaw buhay ang pag-asa
O tatawagin ko lalapitan ko
Ang s'yang umagaw
Sa lalawigan ng noon
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana ganap mong himbing
Wag mong lisanin ang tunay kong pag-ibig
Pano mo lilipunin daang-daang ko'ng
Pagkasira sa kakababad sa sarili kong pangunawa
San ko hahanapin
Pano ko sasadyain
Ang iyong anyaya ako'y marungis di makalapit
O tatawagin ko lalapitan ko
Ang s'yang umagaw
Sa lalawigan ng noon
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana ganap mong himbing
Wag mong lisanin ang tunay kong pag-ibig
At sa twina'y masasambit ang ngalan mo
Ipit sa sisi
Bilang ko ang kulang ko
Ngunit lahat ng ito
Ang lahat ng ako
Handa nang
Maging
Iyo
O tatawagin ko
O tatawagin ko
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana ganap mong himbing
Wag mong lisanin ang tunay kong pag-ibig
Maakit ko sana ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana ganap mong himbing
Sa aking pag-awit ng tunay kong pag-ibig