Bihag

Tanggapin pikit matang umamin saking
Handa ka ng umalis
Walang pipigil walang hahadlang
Sa mainam mong hiling

Ipaskil ang dalangin sa pisarang ang hangin
Kasabay ng wakas ng isang panaginip
Agiw sa isip itago ko man
Mahirap gawin na ikaw ay limutin

Hanggang dito na lang (sa muling palitan)
Handa bang sumuko sa unang pagbitiw
Matutunan ko sana (ang muling pag-angkas)
Lumayo sa huling sandali

Hanggang dito na lang (sa muling balagtas)
Huwag na nating isulat ang maraming mali
Kung hindi makayanan (tumalikod na lang)
Palayo sa huling sandali

Pano sulitin minutong dadaan
Bago tuluyang umalis
Walang pipigil walang hahadlang
Kung di mo rin matiis