Hesus Na Aking Kapatid


Hesus na aking kapatid
Sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba
Hindi kita nakikilala

Tulutan mo aking mata
Mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
Sa taong mapagkumbaba

Hesus na aking kapatid (Hesus na aking kapatid)
Putikin man ang Iyong sapin (putikin man ang Iyong sapin
Punit-punit ang Iyong damit (punit-punit ang Iyong damit)
Nawa ika'y mapasa-akin

Tulutan mo aking mata (tulutan mo aking mata)
Mamulat sa katotohanan (mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

Hesus na aking kapatid (Hesus na aking kapatid)
Sa bukid ka nagtatanim (sa bukid ka nagtatanim)
O sa palengke rin naman (o sa palengke rin naman)
Ikaw ay naghahanap-buhay

Tulutan mo aking mata (tulutan mo aking mata)
Mamulat sa katotohanan (mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba