O, Bayan Ng Diyos


O bayan ng Diyos itaas ang kamay at magdiwang (at magdiwang)
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan
Purihin ang Diyos nang buhay
Tayo'y kanyang mahal
Inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig niya'y kay lalim kay saya (kay lalim kay saya)

O Bayan ng Diyos itaas ang kamay at magsayaw (at magsayaw)
Liwanag ng Diyos nagpawi ng kadiliman pangungulila't lungkot
Huwag nang mag-alala puso nating aba nilikha niyang tahanan niya
Pag-ibig niya'y kay lalim kay sigla (kay lalim kay sigla)

Kung sarili niyang anak pinagkaisa niya
Sa sisinghap-singhap na bayan nating makasarili makasalanan.
Huwag nang mag-alinlangan pang tayo'y kanyang sasamahan
Kailanma'y 'di tayo iiwan (kailanma'y 'di tayo iiwan)
Kailanma'y 'di tayo iiwan

O bayan ng Diyos itaas ang kamay at magdiwang (at magdiwang)
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan
Purihin ang Diyos nang buhay
Tayo'y kanyang mahal
Inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig niya'y kay lalim kay saya (kay lalim kay saya)

O bayan ng Diyos (o bayan ng Diyos)
Itaas ang kamay at magsayaw (ay magsayaw)
Liwanag ng Diyos (bayan ng Diyos)
Nagpawi ng kadiliman pangungulila't lungkot
Huwag nang mag-alala puso nating aba nilikha niyang tahanan niya
Pag-ibig niya'y kay lalim kay sigla
Pag-ibig niya'y kay lalim kay sigla
Kay lalim kay sigla