Himig ng Pasko


Malamíg ang simoy ng hangin
Kay sayá ng bawat damdamin
Ang tibók ng puso sa dibdíb
Para bang hulog na ng langit

Himig ng Pasko’y laganap
Mayro’ng siglâ ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubós ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masayá ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Himig ng Pasko’y laganap
Mayro’ng siglâ ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubós ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masayá ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

La la la la
Ang tibók ng puso sa dibdíb
Para bang hulog na ng langit
Himig ng Pasko