Minsan Lang Kitang Iibigin


Mahal pangako sa iyo hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman
Minsan lamang sa buhay ko ang isang katulad mo
Ako rin ba'y iibigin mo
Dinggin puso'y sumasamo sinusumpa sayo
Ikaw lang ang dalangin ko

Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil lang minsan ay magpakailanman wooh

Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil lang minsan ay magpakailanman wooh

Dahil ang minsan ay magpakailanman