Hinaing Ng Pagsuyo
Sa buhay kong tinataglay
Ay walang ibang aliw
Liban sa lumuha at
Sa puso mo ay dumaing
Dukha na ang puso ko
Sagana sa hilahil
Ngunit dulot mo ay walang
Katapusang lagim
Wari bagang tuwa mo na
Ang ako ay pahirapan
Para bagang aliw mo nang
Masawi ang buhay
Kung ganun ang nais mo
Naririto at nakalaang
Tanggapin ang parusa
Yamang kita'y mahal
Wari bagang tuwa mo na
Ang ako ay pahirapan
Para bagang aliw mo nang
Masawi ang buhay
Kung ganun ang nais mo
Naririto at nakalaang
Tanggapin ang parusa
Yamang kita'y mahal