Ang Ating Sumpaan


Ang batis sa bukid
Ay lubhang malinis
Na kristal ang siyang
Nakakawangis
Ganyan din irog ko
Ang abang puso ko
Sa sumpa'y tapat
At di maglililo

Lahat sa akin ay ligaya
Lalo na't kung nasa piling ka
Lahat sa akin ay pag-asa
Aliw sa pangungulila
Sa lungkot mo ako'y karamay
Ligaya ang siyang ibibigay
At hindi natin kalilimutan
Ang ating sumpaan

Lahat sa akin ay ligaya
Lalo na't kung nasa piling ka
Lahat sa akin ay pag-asa
Aliw sa pangungulila
Sa lungkot mo ako'y karamay
Ligaya ang siyang ibibigay
At hindi natin kalilimutan
Ang ating sumpaan