Nasaan Ang Ligaya


Una't huling pag-ibig ko'y ikaw
Ligaya ko'y tanging ikaw lamang
May pag-asa ang puso kong lumigaya
Kung iyong lilingapin ang puso kong aba

Nasaan ang ligaya
Di ko na nadama
At ang wikang pag-asa'y
Nalimot na
Sakaling tunay
Na may kinabukasan
Lahat sa akin
Pawang kasawian

Ang biro ng tadhana
Ay sadyang kay lupit
Lalo't kung sa pag-ibig
Siya'y magkait
Tanong ng pusong
Lunod na sa hapis
Nasaan ang ligaya
At pag-ibig

Tanong ng pusong
Lunod na sa hapis
Nasaan ang ligaya
At pag-ibig