Huwag Limutin
Huwag limutin nakaraang araw
Sariwain kahit balik-tanaw
Takip-silim 'di man mapigilan
Sandali lang ang dilim
'Yong bilangin ang bawa't sandaling
Kagalaka'y wari'y walang patid
Magkasama tayo sa pagsapit
Ng 'sang langit sa daigdig
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit
Ala-ala ng pagkakaibigan
Sa puso'y itago't ingatan
Sa pagsilay ng bukas tingnan
Ala-ala't puso'y iisa
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit
At ako sa iyo'y aawit