Indyanera


Hinanap ka kanina
Wala sa inyong bahay
Hinanap sa barkada
Di ka nila kasama

Kung saan-saan na ako
Naghanap-hanap dito
Di ko na alam kung san ka makikita
Ngunit huwag kang mangamba
Tiwala ko ay buo pa
Makakatulog pa akong walang kaba na

Oh nang-indyan ka kanina
Oh hindi ka nagpakita
Oh san ka kaya nagpunta
Oh ako ay nagdududa na

Inindyan ako ng araw
Di sumikat ang buwan
Di rin pumatak ang butil ng ulan
Makulimlim ang panahon
Pa rin ako'y naparoon
Di ako mapipigilan ng ulan

Himala naglalakad ka lang nag-iisa
Nakita rin kita ngunit may lakad ka pa

Oh

Woh inindyan ako ng araw
Di sumikat ang buwan
Di rin pumatak ang butil ng ulan
Makulimlim ang panahon
Pa rin ako'y naparoon
Di ako mapipigilan ng ulan

Oh inindyan ako ng araw
Di sumikat ang buwan
Di rin pumatak ang butil ng ulan
Init mo ay nasaan
Pangako mo sa akin yan
Ba't ako iniwan nang walang paalam

Oh nang-indyan ka kanina
Oh hindi ka nagpakita
Oh nang-indyan ka kanina