Regalo


Kay lamig na ng hangin
Nadarama ko na ang pasko'y parating
Kaligayahan sa puso't damdamin
Ng bawat isa'y ating angkin
May dala akong regalo
Sa bawa't matanda't batang narito
May ngipin man o wala may buhok kalbo
Ang lahat ng ito'y para sa inyo

Pasko na
Buksan ang iyong bintana't galak sa puso mo'y ibahagi
Pasko na
Ilawan ang parol tanggapin mo aking regalo
Tunay na pag-ibig ang alay ko
'Yan ang regalo mula sa puso ko

Sa bawat hampas ng kampana
May milyong-milyong taong nakakapuna
Sa simbahan sila'y nagkikita
Tuwing sasapit ang simbang gabi
Sama-sama tayong magdasal
Sa panginoon nating may kapal
Ating gunitain ang pagsilang niya
Doon sa sabsaban

Pasko na
Buksan ang iyong bintana't galak sa puso mo'y ibahagi
Pasko na
Ilawan ang parol tanggapin mo aking regalo
Tunay na pag-ibig ang alay ko
'Yan ang regalo mula sa puso ko

Malayo ka man (malayo ka man)
Kasama ka sa aking dasal
Kahit wala sa pasko
Ika'y naririto sa puso ko

Pasko na (Pasko na Pasko na)
Buksan ang iyong bintana't galak sa puso mo'y ibahagi
Pasko na (Pasko na Pasko na)
Ilawan ang parol tanggapin mo aking regalo
Pasko na (Pasko na Pasko na)
Buksan ang iyong bintana't galak sa puso mo'y ibahagi
Pasko na (Pasko na Pasko na)
Ilawan ang parol tanggapin mo aking regalo
Tunay na pag-ibig ang alay ko
'Yan ang regalo mula sa puso ko

Mula sa puso ko (Pasko na)