Isa Pang Pagkakataon


Hindi mo lang batid ang aking nararamdaman
Mula noong nagkamali
At ikaw ay nasaktan
Para bang bulang naglaho ang pag-asang mabuhay pa
At harapin ang bukas
Na wala ka na

Sana'y maibalik ko ang kamay ng orasan
At manatili doon ang tangi kong inaasam
Bawat tingin ko sa iyong nakikita'y
Ngiti mo lang
Panahong ito'y ayaw ko nang iwan

Isa pang pagkakataong
Makabangon pang muli
Isa pang pagkakataon
Pusong ito'y makabawi
Isa pang pagkakataon
Kahit man lang sa isang sandali
Makapiling ka lang muli
Isa pang pagkakatao'y hinihingi

Hayaan mong pawiin ko ang iyong dinaramdam
Pinapangakong 'di ka na iiwan kailanman
Ang tao ba'y kapag nadarapa o nagkakamali
Ay 'di maaaring magmahal muli

Isa pang pagkakataong
Makabangon pang muli
Isa pang pagkakataong
Pusong ito'y makabawi
Isa pang pagkakataon
Kahit man lang sa isang sandali
Makapiling ka lang muli
Isa pang pagkakatao'y hinihingi

Oh
Isa pang pagkakataong
Makabangon pang muli
Isa pang pagkakataong
Pusong ito'y makabawi
Isa pang pagkakataong
Kahit man lang sa isang sandali
Sa'yo na ako maglalagi
Isa pang pagkakatao'y hinihingi