Kailan Masasabi


Nang makilala ka'y nabighani ako
Paligid ko'y nag-iba bakit kaya ganito
Sadya kayang totoo itong nadarama ko
Sakali kaya ay mapansin mo ito
Di ka mawaglit kahit na sandali
Dapat maparating itong laman ng damdamin

Sana'y iyong dingging
Pag nakikita ka ako'y sumasaya
Laging nasa isip maging sa panaginip
Puso'y umaamin ikaw ang mahal at wala ng iba
Kailan ko masasabi itong pagtingin

Ano kayang hiwaga ang iyong dala (iyong dala)
Nagtatanong pa rin pagkat nabihag ako ng husto
Sasabihin ko ako'y iyong-iyo ngunit hanggang lihim na lang ba ito
Di ka mawaglit kahit na sandali
Dapat maparating itong laman ng damdamin

Sana'y iyong dingging
Pag nakikita ka ako'y sumasaya
Laging nasa isip maging sa panaginip
Puso'y umaamin ikaw ang mahal at wala ng iba
Kailan ko masasabi itong pagtingin

Di alam ang gagawin kapag wala ka sa paningin
Pakatandaan itong pangako na ikaw lamang sinta ko

Sana'y iyong dingging
Pag nakikita ka ako'y sumasaya
Laging nasa isip maging sa panaginip
Puso'y umaamin ikaw ang mahal at wala ng iba
Kailan ko masasabi itong pagtingin

Sana'y iyong dingging
Pag nakikita ka ako'y sumasaya
Laging nasa isip maging sa panaginip
Puso'y umaamin ikaw ang mahal at wala ng iba
Kailan ko masasabi kailan ko makakamit
Kailan ko masasabi itong pagtingin