Kasama Ka


Pagbalik sa alaala
Ng mga bagay na kay ganda
Kasama ka
Kasama ka
Kasama ka

Kahit ipikit pa ang mata
Ikaw pa rin ang nakikita
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta

Parang kay lapit mo pa
Hagkan ay yakap yakap pa
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta

Sa pagkakamaling nagdaan
Huli na nga ba ang lahat
Upang muli kang yayain
Sa ulap na atin lamang oh

Umaapaw ang pag-ibig
Ako'y walang mapaglagyan
Kung maghari ang pananabik
Ako'y inyong koronahan
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta
Ikaw lang sinta

Sa pagkakamaling nagdaan
Huli na nga ba ang lahat
Upang muli kang yayain
Sa ulap na atin lamang oh

Sa pagkakamaling nagdaan
Huli na nga ba ang lahat
Upang muli kang yayain
Sa ulap na atin lamang
Sa pagkakamaling nagdaan
Huli na nga ba ang lahat
Upang muli kang yayain
Sa ulap na atin lamang oh oh