Kumusta Ka Aking Mahal


Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y huwag mong intindihin
Nakakaraus din
Mga gabing mapanglaw
Ay dinadaan sa awitin
Nalulungkot kong damdamin
Naaaliw na rin
Panaginip ko'y laging ikaw sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Para ring kapiling ka
Mahal kumusta ka
Malalim na itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madarama
Damdamin kong nangangamba (nanabik umaasa)
Nagdarasal sa ating Ama (ika'y muling makasama)
Manatili sa inyong tabi (di na muling mawalay pa)
Puso kong humihiling muli ka ng makapiling
Panaginip ko'y laging ikaw sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Para ring kapiling ka
Mahal kumusta ka
Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y huwag mong intindihin
Nakakaraus din
Kumusta ka aking mahal