Kublihan
Kublihan ka
Kapag nasisindak ika'y tinatawag
Kapag may bagabag
Sa awit mo ako'y niyayakap
Takot inaalog pinapapanatag
Di na ako mangangamba kailanpaman (di na ako mangangamba kailanpaman)
Sa piling mo lahat gumagaan (sa piling mo)
Kanlungan ka
Napawi ng lungkot dahil nandito ka
Panatag ang loob
Bawat hikbi iyong hinahaplos
Pinapatahan mo
Payapa ang dulot
Di na ako mangangamba kailanpaman (di na ako mangangamba kailanpaman)
Sa piling mo lahat gumagaan ah
Kublihan ka ikaw ang syang moog
Tanggulan ko't sigla
Kanlungan kong poon
Sa himig mo ako'y iyong tinubos
Tanging pag-asa ko
At ikaw oh aking Diyos
Di na ako mangangamba kailanpaman (di na ako)
Sa piling mo lahat gumagaan (sa piling mo)
Oh