Sa Iyong Pagsilang
Bago ka pa masilayan ng sanlibutan
Mauuna kang hagkan
Puso ko'y naka abang
Sa lamig ng gabi at mapanganib na daan
O' hirang sa sinapupunan
Ika'y aawitan
Ihawi ang iyong pangako
Lumbay na nadama
Tanging dasal ang sanligan
Sa bawat padama
'Di na alintana ang sakit at kawang
Pagkat aking dala diwa ng pangako niya
Sa iyong pagsilang
Anak ko't giliw
Hatid ko ang pag-ibig
Na 'di mag mamaliw
Anak ko'y ika'y paparating na
Ako ay narito ang iyong ina
Aalagan kita at iibigin kailan man
Tungo sa pag ligtas ng sangkatauhan
Kay ligaya ng maging bahagi ng iyong salita
Biyayang kay tamis na maging iyong ina
Sa iyong pagsilang anak ko't giliw
Batid ko ang pag ibig na 'di mag mamaliw
Anak ko ika'y paparating na
Ako ay narito ang iyong ina
Sa iyong pag silang anak ko't giliw (oh)
Hatid ko ang pag ibig na hindi mag mamaliw
Anak ko'y ika'y paparating na (ah)
Ako ay narito ang iyong ina (ah)
Ako ay narito ang iyong ina