Pagsibol


Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan
Init mo'y pangarap kong hagkan

Panginoon ikaw (Panginoon)
Ang kasibulan ng buhay (ng buhay)
Puso'y dalisay kailanpaman (puso'y dalisay kailanpaman)
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan

Wooh

Nangungulilang malay binulungan ng tinig mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal

Panginoon ikaw (Panginoon)
Ang kasibulan ng buhay (ng buhay)
Puso'y dalisay kailanpaman (puso'y dalisay kailanpaman)
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan

Panginoon ikaw (Panginoon)
Ang kasibulan ng buhay (ng buhay)
Puso'y dalisay kailanpaman (puso'y dalisay kailanpaman)
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan

Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang

Wooh