Palusot Ko'y Maybe
Binibilisan ko na (binibilisan ko na)
Ang pagbibisikleta (ang pagbibisikleta)
Pinapawisan na pagod ay wala
Basta ikaw ay nakita
Dahil noong bakasyon (dahil noong bakasyon)
Ay hindi ka nakita (ay hindi ka nakita)
Hindi ko maintindihan
Bakit miss kita
Kaibigan akala ko
Hanggang doon na lang tayo
Pero bakit nga ba ikaw ay
Ikaw nga ay namimiss na
Maybe maybe
Siguro ay gusto na kita
Walang kaulap-ulap
Sa bughaw na langit
Maybe maybe
Siguro ay gusto na kita
Kahit na sa sarili ko 'di maamin ang totoo
Palusot ko'y maybe
Kapag nakikita ka (kapag nakikita ka)
Iniisip bakit ba (iniisip bakit ba)
Parang may nagbago 'di na bata
Ang kilos at itsura mo
Nang ako'y tanungin mo (nang ako'y tanungin mo)
Kumusta ang bakasyon ko (kumusta ang bakasyon ko)
O bakit naguguluhan
Ako'y nabubulol na
Ikaw pa rin ba'ng aking kasama
Sa bawat lungkot at saya
Kapag tinitingnan ka bakit ba bakit ba
Parang iba
Maybe maybe
Naguguluhan na nga ako
Siguro ikaw ay gusto
Lihim na itatago ko
Maybe maybe
Kahit ako ay sigurado
'Di aamin sa totoo
Kahit na sa sarili ko
Palusot ay maybe
Minamahal ka nasasaktan na
Dahil 'di ko kayang wala ka
Minamahal ka nasasaktan na
Ito ang totoo
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Dito sa puso ko
Totoo na gusto kita
Maybe maybe
Naguguluhan na nga ako
Siguro ikaw ay gusto
Lihim na itatago ko
Maybe maybe
Kahit ako ay sigurado
'Di aamin sa totoo
Kahit na sa sarili ko
Palusot ay maybe