Umiindak Na Saya
Oh ang tadhana'y mapagbiro
Tayo ay pinagtagpo
Tumigil ang puso sa pagtibok ngunit sa iyo ito ay aking itinago
Baliw na ba talaga ako
Kahit sobrang may gusto sa iyo
Nais kong magsolo sa istasyon ngayo'y naiinis na sa sarili
Isang simpleng pagkakataon
Pagsisisihan habang panahon kaya't
Dasal ko sa Diyos na ibalik ang oras upang masilayan kang muli
Oh ang babae minsan siya ay ang humahabol
Umiindak-indak ang kanyang saya
Itatapon lahat makamit lang ang pag-ibig nya
Oh ang babae tuwing umiibig siya'y masigla
Umiindak-indak ang kanyang saya
Sa hanging pinag-aapoy ang damdamin
Kahit ano ay gagawin
Kung ika'y hanggang tingin na lang
Walang mangyayari sa atin
Aabutin mo ang aking kamay pag-apuyin ang ating damdamin
Ang hagdan ng kamulatan
Ay aakyatin nang mabilisan
Masabi lang sa'yong mahal kita at hindi kailanman ipagpapalit
Oh ang babae
Pag umiibig sadyang kay sigla
Umiindayog na ang kanyang saya
Sa hangin ay patuloy ang pag-indayog niya
Dahil 'pag umiibig ang babae ay parang saya
Umiindayog na ang kanyang saya
Tatakbo at hahabulin ka
Sa ngalan ng pag-ibig
Habol hininga tumutulong pawis 'di inda
Patuloy pa rin na maghahahabol sa'yo
At kapag ikaw ay inabutan ko
'Di mahihiyang sabihin sa'yo
Sa mundong ito ikaw lamang ang tanging napupusuan ko
Oh ang babae
Minsan siya ay ang humahabol
Umiindak-indak ang kanyang saya
Itatapon lahat makamit lang ang pag-ibig nya
Oh ang babae tuwing umiibig siya'y masigla
Umiindak-indak ang kanyang saya
Sa hanging pinag-aapoy ang damdamin
Kahit ano ay gagawin