Panginoon, Narito Ako


Sino ang aking babalingan
Panginoon ko tanging ikaw
‘Pagkat taglay mo ang salita ng buhay
Ikaw ang buhay na walang hanggan

Panginoon narito ako
Gawin mo sa akin ang maibigan mo
Handa akong tupdin ang loob mo
Panginoon narito ako

Sino ang aking babalingan
Panginoon ko tanging ikaw
Pagka’t ika’y daan at katotohanan
Ikaw nga ang aking kaligtasan

Panginoon narito ako (Panginoon narito ako)
Gawin mo sa akin ang maibigan mo
Handa akong tupdin ang loob mo
Panginoon narito ako

Ito ang tangi kong hangarin
Lumagi sa ‘yong piling
Makita ka at ibigin
Paglingkuran ng taimtim

Panginoon narito ako
Gawin mo sa akin ang maibigan mo
Handa akong tupdin ang loob mo
Panginoon narito ako

Panginoon narito ako (Panginoon narito ako)
Gawin mo sa akin ang maibigan mo
Handa akong tupdin ang loob mo
Panginoon narito ako