Sa Paglubog Ng Araw
Bulong ng isip ang pangalan mo
Dinidikta ng puso ang wangis mo
Alaala ng paalam walang hanggan
Maging sa pagtulog kita'y hinahagkan
Malayang lumilipad ang mga ibon
Kagaya ng paglipas ng mga araw
Kay layo man itong aking paglalakbay
Sa piling mo pa rin ang hangganan
Huwag sanang abutin ng paglubog ng araw
Itong aking pighati sa ating paglalayo
Sana ay kapiling ka sa paglubog ng araw
Hanggang sa aking pag-uwi sana ay maghintay
Dala ng puso ko'y pag-ibig mo
Iniingatan ang pangako ko
At sa pagpikit nitong aking mga mata
Tibok ng puso mo'y nadarama
Malayang umaagos itong ilog
Kagaya ng paglipas ng mga oras
Mapagod man sa aking paglalakbay
Sa piling mo pa rin ang hantungan
Huwag sanang abutin ng paglubog ng araw
Itong aking pighati sa ating paglalayo
Sana ay kapiling ka sa paglubog ng araw
Hanggang sa aking pag-uwi sana ay maghintay
Ay maghintay
Hanggang sa aking pag-uwi sana ay maghintay
Hmm