Sandali
Sandali huwag ka munang aalis
Marami pa akong gustong sabihin
Teka lang huwag ka munang iiyak
Wala namang saysay kung iisipin
At sa huli ikaw rin ang sasabay
Sa yugto ng bukas ay naghihintay
Huwag huwag kang mag-aalala
Hindi kita pababayaan
Huwag huwag kang magkakamaling sumuko
Hangga't may oras pa nandito lang ako
Sandali isipin mo ang paghihirap
Na iyong dinaanan upang makarating ka sa tuktok
Ngayon na malapit na kahit pagod na at antok
Sugatan nabugbog sa pagsubok
At sa huli kaaway mo'y madarapa
Nakatayo ikaw ang siyang matitira
Huwag huwag kang mag-aalala
Hindi kita pababayaan
Huwag huwag kang magkakamaling sumuko
Hangga't may oras pa nandito lang ako wo wo wo wo
Huwag huwag kang mag-aalala
Hindi kita pababayaan
Huwag huwag kang magkakamaling sumuko
Hangga't may oras pa nandito lang ako wo wo wo wo wo