Tuliro
Isang taong desperado'y sa sementeryo nagtungo
Hindi upang makiramay kundi para mahimlay
Siya'y namahinga dahil di niya makayanan ang bigat ng mundo niya
Nang dahil dito siya'y natuliro
Hindi niya na alam kung saan patungo
Nang dahil dito siya'y natuliro
Di niya na alam kung saan patungo
Buhay ay napakahirap para sa isang katulad niya
Balikan natin ang istorya nung siya'y bata pa
Ama't ina'y di nagsasama't walang malapitan
Sa mura niyang edad siya'y nawalan ng pag-asa
Pananaw sa sarili buhay wala nang halaga
Nang dahil dito siya'y natuliro
Hindi niya na alam kung saan patungo
Nang dahil dito siya'y natuliro
Di niya na alam kung saan patungo
Buhay ay napakahirap para sa isang katulad niya
Takbo ng buhay niya'y naging paikot-ikot lang
Doon niya nakita kaya't siya'y sumuko na lang
Nang dahil dito siya'y natuliro
Di niya na alam kung saan patungo
Nang dahil dito siya'y natuliro
Hindi niya na alam kung saan patungo
Buhay sadyang mahirap para sa isang katulad niya