Walang Hanggang Pag-Ibig


Walang hanggang
Walang katapusan
At kailanman mananatiling buhay
Ang pag-ibig
Ang pagmamahal
Na kailanma'y di magwawakas

Pag-ibig tunay na pag-ibig
Ang nadarama sa isa't isa
Di magbabago
At di mag-iiba
At kailanman atin ang pagmamahal

Kahit maglaho man
Sa langit ang mga bituin
Mawala man gabi't araw sa atin daigdig
Magniningning pa rin ang ating pag-ibig
Pagkat walang hanggan ang ating pagmamahal

Maglaho man ang mga himig sa ating daigdig
Tumigil man ang mga ibon sa pag-awit
Di pa rin titigil sa pagtibok ang puso
Pagkat walang hanggan ang ating pag-ibig

Walang hanggan
Walang katapusan at kailanman mananatiling buhay
Ang pag-ibig (ang pag-ibig)
Ang pagmamahal (ang pagmamahal)
Na kailanma'y di magwawakas

Pag-ibig tunay na pag-ibig
Ang nadarama sa isa't isa
Di magbabago (di magbabago)
At di mag-iiba (at di mag-iiba)
At kailanman atin ang pagmamahal

Kahit maglaho man
Sa langit ang mga bituin
Mawala man gabi't araw sa atin daigdig
Magniningning pa rin ang ating pag-ibig
Pagkat walang hanggan ang ating pagmamahal

Maglaho man ang mga himig sa ating daigdig (maglaho man ang mga awit)
Tumigil man ang mga ibon sa pag-awit (tumigil man sa pag-awit)
Di pa rin titigil sa pagtibok (di pa rin titigil ang puso)
Pagkat walang hanggan ang ating pag-ibig (walang hanggan ang pag-ibig)
Di pa rin titigil sa pagtibok ang puso
Pagkat walang hanggan ang ating pag-ibig (walang hanggan ating pag-ibig)

Canciones más vistas de