Walang Hanggang Pagsuyo


Aawitin ko awit na para sayo
Iduduyan kita sa himig na kay ganda
At dadalhin kita sa ating paraisong
Nakukulayan ng pag-ibig mo't pag-ibig ko

Ihahayag sayo ang laman ng isip ko
Ibubulong sayo ang sigaw ng puso ko
Minamahal kita iniibig kita
Kailan pa man ikaw ang ligaya

Ikaw ang noon pa ma'y hinihintay
Na makapiling ko sa aking buhay
Ikaw ang noon pa ma'y inaasam
Na makasama ko ngayon at kailan man

Hawak kamay tayong pagmasdan ang mundo
Magkaakbay tayong lakarin ang paraiso
Sa pag-ibig ng Diyos ang hain ko sayo
Ang walang hanggang pagsuyo

Ikaw ang noon pa ma'y hinihintay
Na makapiling ko sa aking buhay
Ikaw ang noon pa ma'y inaasam
Na makasama ko ngayon at kailan man

Hawak kamay tayong pagmasdan ang mundo
Magkaakbay tayong lakarin ang paraiso
Sa pag-ibig ng Diyos ang hain ko sayo
Ang walang hanggang pagsuyo
Ang walang hanggang pagsuyo

Canciones más vistas de