Aawitan kang lagi


Aawitan kang lagi
Hanggang sa ako sinta ay mahalin
Susuyuin kang lagi
Nang manalig kang mahal ka sa akin
Sa bawat sandali ay alaala kita
Ang nais ng puso'y lumigaya ka sinta
Sa tuwi kong maririnig
Ang tamis at lambing ng iyong pag-awit
Ang aba kong kaluluwa'y
Para nang nasa langit
Ang paghanga ko at wagas na pag-ibig
Ang siyang dahilan aawitan ka sa bawat saglit

Sa bawat sandali ay alaala kita
Ang nais ng puso'y lumigaya ka sinta
Sa tuwi kong maririnig
Ang tamis at lambing ng iyong pag-awit
Ang aba kong kaluluwa'y
Para nang nasa langit
Ang paghanga ko at wagas na pag-ibig
Ang siyang dahilan aawitan ka sa bawat saglit