Hindi Kita Lilimutin


Kailan pa man ay di ka lilimutin
Alam mo namang minamahal ka namin
Sa araw at gabi lagi naming dalangin
Na pagpalain ka katulad ng anghel

Kundangan ay wala kaming kapangyarihan
Na ang paglisan mo'y aming mahadlangan
Kung wala ka man ngayon dito sa aming piling
Kasama-sama ka sa diwa at damdamin

Sa dulo ng landas
Na aming tatahakin
Kahit sa alaala'y
Lagi kang hahanapin

Kundangan ay wala kaming kapangyarihan
Na ang paglisan mo'y aming mahadlangan
Kung wala ka man ngayon dito sa aming piling
Kasama-sama ka sa diwa at damdamin

Sa dulo ng landas
Na aming tatahakin
Kahit sa alaala'y
Lagi kang hahanapin