Ala-ala Kita


Kung bakit sa tuwina ay naaalala
Naglahong ligaya saya
Puso ko'y may dusa kapag naalala
Lumipas na araw sinta

Luksa ang damdamin pagsagi sa akin
Pumanaw na paglalambing
May halong dalangin kung gunitain
Ang ating kahapong angkin

Lumimot man ikaw alaala kita kailanman
Kahit sa libingan alaala kita aking hirang
Sa dibdib na tintal ang timyas ng pag-ibig ay
Mundo ma'y magunaw alaala kita kailan man