Alam Mo Ba (Ang Gulo)
Ano ba talagang gusto mo
Kanina pa tayo naglalaro sa aking utak
Paligsahan palakasan ng hila at tulak
Ngunit parang hindi mo naman ata gustong manalo
Wala na ‘to pareho lang tayong malabo
Nais kong malaman mo
Nang walang paalam
Di ko sinasadya
Pero walang kang pakialam
Kahit ilang beses pa
Wala kang matandaan
Ang gulo-gulo
Gusto ko o ayaw bang ganito kagulo
Alam mo ba ang nasa isip ko
Sabi ng mga mata mo’y
Di na kailangang sabihin
Tubig para sa apoy
Itigil na ang panalangin
Walang hinto ang mga salita
Inamin ko pero ‘di halata
Di ko sinasadya
Pero walang kang pakialam
Kahit ilang beses pa
Wala kang matandaan
Ang gulo-gulo
Gusto ko o ayaw bang ganito kagulo
Alam mo ba ang nasa isip ko
Tinatago ang sarili
Pero laging nahuhuli
Walang hinto ang mga salita
Inamin ko
Ikaw na ang bahala
Di ko sinasadya
Pero walang kang pakialam
Kahit ilang beses pa
Wala kang matandaan
Ang gulo-gulo
Gusto ko o ayaw bang ganito kagulo
Alam mo ba ang nasa isip ko
Ang nasa isip ko