Alipin


Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko'y minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik

Ayaw ko sa iba
Sayo ako ay di magsasawa
Ano man ang yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin

Madalas man na parang aso at pusa
Ngunit sa piling mo ako ay masaya

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko'y minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik (nasasabik)

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa aki'y wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik (nasasabik)

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin