Awit Kay Leandro


O Leandro
Bakit ba ganyan
Ang takbo ng gulong ng tadhana
O Leandro
Masdan mo sana
Ang lungkot ng mundo ay pamana

Matindi ang ating kahirapan
Mapait ang ating nadama
Ngunit kung tayo ay magmahalan
May ligaya kahit kailan man
Halina may pag-asa pa
Ang hapdi ng dibdib may lunas
Ang landas ng ating buhay
Ay tiyak na sa ating kamay

O Leandro
Liliwanag ba
Kung ika'y malupit at alinlangan
Buksan mo sana
Ang damdamin mo
At tibay ng puso'y di maglalaho

Kahit na mabigo ang pangarap
Panaginip nama'y magwakas
Dahil kung tayo ay magmahalan
May ligaya kahit kailan man

Magsaya may bagong bukas
May langit ang bawat nilikha
Hari ka ng iyong buhay
Mahiwaga ang pusong tunay
Halina may pag-asa pa
Ang hapdi ng dibdib may lunas
Ang landas ng ating buhay
Ay tiyak na sa ating kamay