Gising Na O Kuya Ko


Mayroong isang binata
Akala mo kung sino
Kung siya ay kumilos
Daig pang may trono
Kung siya ay matulog
Daig pa ang lolo
Gising na o kuya ko

Ang hilig ng binata'y mag good time ng mag good time
Di man niya naisip
Siya rin ay tatanda
Darating ang araw
Wala nang kinabukasan
Gising na o kuya ko

Maghanap ka ng trabaho
Magbanat ka ng buto
Pagbigyan ang iyong magulang
Dinggin mo o kuya ko

Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang iyong pagbangon
Pag huli na ang lahat

Mayroong isang binata
Hindi na siya natuto
Akala niya ang buhay
Gawang biro biro
Hindi man niya naisip
Lahat ay may dulo
Gising na o kuya ko

Masdan mo nasa bintana
Mataas na ang araw
Kailan ba ang iyong pagbangon
Pag huli na ang lahat
Gising na o kuya ko