Bakit
Sa duyan ng pagmamahal
Giliw tayo'y nagsumpaan
Sa init ng ating lambingan
Ang lahat ay kaligayahan
Ngunit ako'y nag-alangan
Nais mong magsalawahan
Anong dahilan at ako'y pinaghintay aking hirang
At bakit ka hindi dumarating
Tila nagtampo ka sa akin
Sinumpaan mo ako lang ang mahal
Tiniis mong maghintay ako hirang
Bakit ka hindi dumarating
Giliw puso ko'y naninimdim
Tantuing mahal kita hanggang libing
O bakit ka hindi dumarating
Tantuing mahal kita hanggang libing
O bakit ka hindi dumarating