Bata Man Ako


Bata man ako
Ang nais ko'y ipadama
Sa iyo o Diyos ang aking pagpupuri't pagsamba
Bata man ako
Mag-aalay sayo
Ng awit na papuri sa kaluwalhatian mo

Bata man ako ngunit aking ihahayag
Na ikaw Hesus ang kaibigan ko at ng lahat
Bata man ako ngunit sa puso ko'y ganap
Na umiibig sayo
Tapat mong alagad

Bata man ako
Pagyayamanin ko
Ang bawat salita na nagbubuhat sa iyo
Sa aking paglaki
Ay sisikapin kong
Lakaran ang landas na sa aki'y kalooban mo

Bata man ako ngunit aking ihahayag
Na ikaw Hesus ang kaibigan ko at ng lahat
Bata man ako ngunit sa puso ko'y ganap
Na umiibig sayo
Tapat mong alagad

Lalay lalay

Bata man ako ngunit sa puso ko'y ganap
Na umiibig sayo
Nagmamahal sayo
Bata man ako
Ngunit maglilingkod sayo