Bawal Na Pagmamahal
Sabi nila
Ako'y walang karapatan
Sa pag-ibig
Pagkat ako'y
Di malaya
Di na dapat pang umibig
At hindi raw
Maaaring suyuin ka
Kahit saglit
Walang laya
Sa pagsinta
Kahit sa panaginip
At kung isang kasalanan
Ang mahalin ikaw sinta
IIbigin pa rin kita
Kahit ako ay magdusa
Bakit kaya
Kung sino pa ang iyong mahal
Ay siya namang
Di mo makamtan
Di maaaring lasapin
Ang bawal na pagmamahal
At kung isang kasalanan
Ang mahalin ikaw sinta
IIbigin pa rin kita
Kahit ako ay magdusa
Bakit kaya
Kung sino pa ang iyong mahal
Ay siya namang
Di mo makamtan
Di maaaring lasapin
Ang bawal na pagmamahal