Walang Katapusan


Pag-ibig ko sayo'y walang katapusan iyong paniwalaan
Mundo ma'y magunaw at muling mabuo ang mahal ko'y ikaw
Kung lumayo ka man
Kita ay susundan di mo ako maiiwasan
Sa lahat ng oras kasama mo ako kita'y babantayan

Pag-ibig ko'y
Hindi mapaparam
Magalit ka man sa akin
Hindi ako magdaramdam

Kung ako'y lumayo
Pagsinta kong wagas na sa iyo'y maiiwanan
Sana'y ingatan mo
Iyan ang pag-ibig kong walang katapusan

Pag-ibig ko'y
Hindi mapaparam
Magalit ka man sa akin
Hindi ako magdaramdam

Kung ako'y lumayo
Pagsinta kong wagas na sa iyo'y maiiwanan
Sana'y ingatan mo
Iyan ang pag-ibig kong walang katapusan