Bigong-Bigo

Labis akong lumigaya nang makilala ka
Bawat saglit ang nasa isip ay ikaw
Sinasabi ng puso kong minamahal kita
Tunay kitang iniibig aking sinta

Subalit ng ipagtapat ang damdaming ito
Ako'y labis na nasaktan sa sagot mo
Sinabi mong ang puso mo'y nakasangla na
Di ka dapat na umibig pa sa iba

Ako'y bigong-bigo sa pag-ibig na alay ko
Tunay na kay sakit at kay hapdi ang natamo
Sadya bang ganito ang umibig nasasaktan ang damdamin
Kalungkutan pagtitiis ang kakamtin