Bisyo


Di ako humihithit ng marijuana
Ayaw ko ng cocaine shabu at droga
Ang alak sa aki'y di makakabuti
Kung kaya iniiwasan parati
Sa pasyalan ang kasama ko'y disente
Nag-hoholding hands lamang kami
Di kami nakakalimot sa sarili
Kasabihan pagsisi nasa huli

Nang dahil sa bisyong di maiwasan
Kayrami ng buhay na nasayang
Ang wasak na tahanan di rin mabilang
Nagdilim ganda ng kinabukasan
Ang sugal ay dapat nating iwasan
Sobrang bisyo ay dapat na bawasan
Kay ganda ng buhay dito sa daigdigan
Huwag ninyong pabayaan na masayang

Di ako humihithit ng marijuana
Ayaw ko ng cocaine shabu at droga
Ang alak sa aki'y di makakabuti
Kung kaya iniiwasan parati
Sa pasyalan ang kasama ko'y disente
Nag-hoholding hands lamang kami
Di kami nakakalimot sa sarili
Kasabihan pagsisi nasa huli

Ang hiringgilya sa tao'y hindi mabuti
Pare iwasan na natin yan masama yan