Buti Na Lang Nandito Ka


Ayos lang naman kahapon
Bakit hindi na mapakali ngayon
Gusto ko lang naman huminahon
Bumangon sa bawat maghapon
Hindi mahanap ang pagkakataon

Buti na lang nandito ka
Sa aking tabi
Kapag naiisip kong wala
Na akong silbi
Buti na lang nandito ka
Sa takot at pangangamba
Sa lungkot kong nadarama
Buti na lang nandito ka

Pakunwari na lang ang tawa
Sa harap ng iba
Huwag nang magtaka
Sa pungay ng aking mata
Hindi man sila maniwala
Wala akong magagawa
Ang mahalaga'y nandito ka

Buti na lang nandito ka
Sa aking tabi
Kapag naiisip kong wala
Na akong silbi
Buti na lang nandito ka
Sa takot at pangangamba
Sa lungkot kong nadarama
Buti na lang nandito ka

May pag-asa na
Akong nadarama
May liwanag na
Akong nakikita
Pagkat pinaalala mo na sa aking nandito ka

Buti na lang nandito ka
Sa aking tabi
Kapag naiisip kong wala
Na akong silbi
Buti na lang nandito ka
Sa takot at pangangamba
Sa lungkot kong nadarama
Buti na lang nandito

Buti na lang nandito ka
Sa aking tabi
Kapag naiisip kong wala
Na akong silbi
Buti na lang nandito ka
Sa takot at pangangamba
Sa lungkot kong nadarama
Buti na lang nandito ka (buti na lang nandito ka sa aking tabi)

Kapag naiisip kong wala
Na akong silbi
Buti na lang nandito ka
Sa takot at pangamba
Sa lungkot kong nadarama
Buti na lang nandito ka