Crush


Naghihintay lang lagi
Sa muling pagsapit
Ng gabi upang masilayan kang muli
Humihingi sa langit
Ng paraang pang-akit
Para mahagkan muli ang iyong mga ngiti

At sa paglubog ng araw ay tila
Walang hanggan itong paghanga

Sayong mata (sayong mata)
Sayong ngiti (sayong ngiti)
Nasan ka na gusto kita sa bawat sandali
At kahit na di ka madalas kung magpakita
Araw-araw crush mahal kita

Gabi-gabi ikaw ang hanap
Sa bawat kanto'y di mapigil ang aking pagsulyap
Umaraw man at umulan
Walang magagawa kung di ang maghintay na lang

At sa paglubog ng araw ay tila
Walang hanggan itong paghanga

Sayong mata (sayong mata)
Sayong ngiti (sayong ngiti)
Nasan ka na gusto kita sa bawat sandali
At kahit na di ka madalas kung magpakita
Araw-araw crush mahal kita

At sa paglubog ng araw ay tila
Walang hanggan itong paghanga

Sayong mata (sayong mata)
Sayong ngiti (sayong ngiti)
Nasan ka na gusto kita sa bawat sandali
At kahit na di ka madalas kung magpakita
Kahit na magmukhang rebulto sa Luneta
Kahit lunurin mo ako'y di magsasawa
Ganyan ako kasi crush kita
Araw-araw crush mahal kita