Dahil Sa Polka

Ang polka ay magandang tingnan
Lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan
Ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay
Sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman
Tila walang hanggan

Dahil sa polkang masigla
Ang damdamin ko'y nag-iba
Ang ibon man ay kumanta
At ang tanawi'y gumanda
Ang buhay ko ay sumaya
Di mo lamang napupuna
Puso ko'y biglang tumaba dahil sa polka

Ang polka ay magandang tingnan lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman tila walang hanggan

Kahit sa pag-awit (kahit)
Polka ang tutugtugin (sa maghapon)
Di ka magsasawa (kakaang lagi)
Magaang sasayawin (laging sasayawin)
Lalo na kung tuwina'y (kung tuwina'y)
May kasayaw kang mahinhin
Ang sayawa'y nakakaaliw di na magmamaliw (di na magmamaliw)

Ang polka ay magandang tingnan lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman tila walang hanggan

Bumagay ka irog nang di ka mapagtawanan
Kung polka ang tugtog ay polka rin ang isayaw
Ang buhay kung minsan ay polka rin na magalaw
Mag-ingat lang sa bawat hakbang di na malulumbay (di na malulumbay)