Dalaga't Binata
Ang mga dalaga't binata'y nagsasaya
Sa gitna ng parang sila ay nagtatawa
At ang bawat puso'y sabik na sa pagsinta
Kagalakang tunay ang hangad nila
At saliwan ng awit tugtugan upang lumagi ang kasayahan
At ang tanging araro ng buhay ang siyang ligaya walang hanggan
Ang mga dalaga't binata'y nagsasaya
Sa gitna ng parang sila ay nagtatawa
At ang bawat puso'y sabik na sa pagsinta
Kagalakang tunay ang hangad nila
Bulaklak na sumilang sa nayon
Di dagling mahagka't nakatikom
Kabanguha'y sadyang mahinahon
Kay hirap mapatugon