Di Ko Iluluha
Binigo mo ang aking pag-asa
Nang tayo ay muling magkita
Ang naglahong araw ng ligaya
Ngayon ba'y di mo na alaala
Sinadya mo akong pasakitan
Ang akala mo'y di ko alam
Na hindi ka maligaya sa buhay
Di mo man sabihin aking nalalaman
Binigo mo ang aking pag-asa
Di ka tapat giliw sa pag-sinta
Sa buhay ng tao dapat mong malaman
Kung mayron ligaya mayron ding kalungkutan
Ang sinapit kong bigong pagmamahal
Ay di ko iluluha
Lumimot man ikaw
Sa buhay ng tao dapat mong malaman
Kung mayron ligaya mayron ding kalungkutan
Ang sinapit kong bigong pagmamahal
Ay di ko iluluha
Lumimot man ikaw