Fiona
Ang kalmadong paligid nabahiran ng lungkot
Mukha'y nakatago sa ilalim ng malamig na kumot
Pagkatapos ng paalam nagbabalik ang nakaraan
Puso'y kay bigat di na muling mahahagkan
Tinig ay paos hininga ay kapos
Nalulunod sa pagluhang di matapos-tapos
Ngunit nandiyan ka na sana'y masaya ka
Salamat sa magagandang alaala
Bukas paru-paro ay babati ibabalik ang ngiti
Inampon ka na ng langit diyan magkikitang muli
Sa kahon inipon mga mumunting alaala
Masasayang kahapon sa isip ko ay buhay pa
Sa 'king pangungulila sa 'king pag-iisa
Hawak ang aking gitara't dinaan sa kanta
Tinig ay paos hininga ay kapos
Nalulunod sa pagluhang di matapos-tapos
Ngunit nandiyan ka na sana'y masaya ka
Salamat sa magagandang alaala
Bukas paru-paro ay babati ibabalik ang ngiti
Inampon ka na ng langit diyan magkikitang muli
Diyan magkikitang muli