Gabi


Heto na at gabi na naman
At marahan kang papasok sa aking isipan
At hindi namamalayan ang marahang pagpatak ng luha
Sa 'king mga mata nang hindi sinasadya

Heto na't sumisilip na ang buwan
Bawat gabing laging sisimulan na ika'y kalimutan
At ang pag-iwan sa kahapong di na nababalikan
At hanggang doon na lang di na madudugtungan

Hindi malaman ang aking gagawin
Kung tatakbo magtatago pano ka lilimutin
Oh kay liit aking mundo umiikot pa sayo
Pano 'ko lalayo pano 'ko tatayo
Kung pag tuwing gabi di mapakali
At hindi tanggap na wala na nga tayo (wala na)
Wala na

Ang mga bitui'y nagkikinangan na
Pinapalitan ang bawat luha ng ngiti sa 'king mukha
Ipipilit na di mahalaga upang hindi mapahiya
Na hindi ko pa kaya habang ikaw ay masaya

Hindi malaman ang aking gagawin
Kung tatakbo magtatago pano ka lilimutin
Oh kay liit aking mundo umiikot pa sayo
Pano 'ko lalayo pano 'ko tatayo
Kung pag tuwing gabi di mapakali
At hindi tanggap na wala na nga tayo

Oh kay liit aking mundo umiikot pa sayo
Pano 'ko lalayo pano 'ko tatayo
Kung pag tuwing gabi di mapakali
At hindi tanggap na wala na nga tayo (wala na)
Kung pag tuwing gabi di mapakali at hindi tanggap na wala na nga tayo